Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority na hindi nila ipinagbabawal ang mga motorsiklo sa mga pangunahing kalsada kalakhang Maynila.
Ayon sa MMDA, mahigpit lamang nilang ipatutupad ang motorcycle lane regulation sa kahabaan ng EDSA, C-5 road, Macapagal at Commonwealth Avenue.
Ito ay upang masiguro anila na magiging swabe ang daloy ng trapiko at para na rin sa kaligtasan ng mga nagmomotorsiklo.
Simula sa Lunes ay mahigpit nang ipatutupad ng MMDA ang motorcycle lane policy.
Batay sa datos, mula sa 265 aksidente sa kalsada sa Metro Manila, 30 sa mga ito ay kinasasangkutan ng mga nagmomotorsiklo.
Mula sa Enero hanggangg Abril ng taong kasalukuyan ay aabot na rin sa 7, 033 ang motorcycle accidents ang naitatala.
By Ralph Obina