Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority na wala silang patakaran na nagbabawal sa mall-wide sales.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni MMDA Director 3 for Enforcement Atty. Victor Nuñez, na nakiusap lamang sila na huwag gawing sabay-sabay ang sale ng lahat ng retailers o merchants sa mga mall; at abisuhan sila kaugnay dito para mapag-planuhan ang traffic flow at deployment ng Traffic Enforcers.
Kaugnay nito, hiniling naman ni Sen. Raffy tulfo, Chairman ng Komite, sa mall operators na huwag magsabay-sabay ng sale ang kanilang mga branch para hindi magkabuhol-buhol ang traffic sa Metro Manila.