Walang kapangyarihan ang Metro Manila Development Authority o MMDA para manghuli at magpataw ng multa sa mga mahuhuling naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Ito’y makaraang ipawalang bisa ng Court of Appeals 12th Division ang ginagawang hakbang ng MMDA bilang pagtupad sa itinatadhana ng Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulations Act of 2003.
Sa ipinalabas na desisyon ng Appelate Court, binigyang diin nito na hindi kasama ang MMDA sa mga ahensya ng gobyernong magpapatupad ng nasabing batas kaya’t wala itong kapangyarihan para manghuli o magparusa sa sinumang lumalabag.
Magugunitang ipinagharap ng reklamo sa Mandaluyong Regional Trial Court ng dalawang nahuling naninigarilyo ang kampaniya ng MMDA kung saan, nagpalabas pa ang korte ng Temporary Restraining Order o TRO.
By Jaymark Dagala