Suspendido pa rin ang color coding o number coding scheme sa Metro Manila sa ilalim ng alert level 3.
Ito ay dahil hindi pa rin bumabalik sa normal ang public transportation sa National Capital Region (NCR).
Sinabi pa ni MMDA Chair Benhur Abalos na magagarantiya nito na mas ligtas sa kanilang mga sasakyan kumpara kung makikipagsiksikan pa ito sa mga pampublikong sasakyan tulad ng Mrt at bus.
Samantala, tiniyak naman ng MMDA na araw-araw pa rin nilang mino-monitor ang trapiko sa NCR.
Sa kasalukuyan, batay sa kanilang pag-aaral, kaya pa naman aniyang kontrolin ang mga sasakyan kahit suspendido ang color coding.