Pagmumultahin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motoristang lalabag sa 60 kph speed limit sa EDSA.
Ito’y makaraang matuklasan ng MMDA na karamihan sa mga major accidents na nangyayari sa mga kalsada ng Metro Manila ay maiuugnay sa overspeeding o lubhang mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan.
Bahagi rin ito ng kanilang inilathalang Regulation Number 19 – 001 sa mga pahayagan.
Papatawan naman ng P1,000 multa ang sinumang motoristang lalabag sa nabanggit na speed limit.
Samantala, hindi naman saklaw ng naturang polisiya ang mga bus at truck.
Epektibo ito sa ika-siyam ng Abril, limang araw matapos ihayag ang naturang regulasyon sa mga pahayagan.