Kumpiyansa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na malaki ang maitutulong sa problema sa masikip na daloy ng trapiko ng Pasig River Ferry System.
Ayon kay MMDA Gen. Manager Jojo Garcia, bagama’t hindi pa isandaang porsyentong planstado ang ferry service ay unti-unti na nilang sinasanay ang mga motorista sa paggamit nito lalo na sa pagpasok ng 2020.
Aniya kayang magsakay ng apat na ferry ang nasa 600 pasahero kada araw.
Maituturing na rin umano itong alternatibong sakayan ng mga motorista lalo na at may parating pang mga donasyong ferry boats.