Tuloy-tuloy ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad ng provincial bus ban sa EDSA.
Ayon kay Col. Bong Nebrija, traffic chief sa EDSA ng MMDA, itutuloy nila ang pagpapatupad ng provincial bus ban kapag hindi ito pinigil ng korte.
Hinihintay na lamang anya nila ang guidelines mula sa LTFRB para sa pina-igsing ruta ng mga provincial buses na hanggang Valenzuela sa Norte at PITX at Sta. Rosa sa Timog na lamang at pinahabang ruta naman para sa mga city buses.
Sa ngayon anya ay inihahanda na ng Office of the Solicitor General ang kasagutan nila sa mga petisyon sa korte suprema laban sa provincial bus ban kung saan binigyan sila ng sampung araw para maisumite ito.
Wala pa namang resolution sa Supreme Court, so lahat ng ito po ay naka… it’s still a go, we’re pursuing with the policy at plan,” ani Nebrija.
Balitang Todong Lakas Interview