Wala pang nakikitang dahilan ang MMDA para muling ipatupad ang number coding scheme sa Metro Manila.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos, na sa ngayon maayos pa naman ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Kamaynilaan kaya hindi pa kailangang magpatupad ng number coding.
Pero sakali umanong lumala ang trapik agad aniya nilang ibabalik ang pagpapatupad nito.
Dagdag ng MMDA chairman, patuloy ang kanilang isinasagawang obserbasyon sa usad ng mga sasakyan sa EDSA kungsaan napansin aniya nilang manageable pa naman ito.
Tanging ang truck ban lamang ani Abalos ang kanilang ipinatutupad ngayon sa kalakhang Maynila.