Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga tauhan para hulihin ang mga nagkakalat, jaywalkers at mga sidewalk vendors.
Ayon sa MMDA, ide-deploy ang mga tauhan ng MMDA na nakakulay dilaw na t-shirt sa walong lokasyon sa kahabaan ng EDSA.
Ito ay sa Monumento, North EDSA, Quezon Avenue, Cubao , Ortigas, Shaw, Guadalupe at EDSA Taft.
Nagbabala ang MMDA na pagmumultahin ang mga mahuhuling jaywalker at mga nagkakalat sa kalsada habang kukumpiskahin naman paninda ng mga illegal vendor.
By Rianne Briones