Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagpapatupad ng daylight saving time sa gitna ng naobserbahang mabigat na daloy ng trapiko sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang ang daylight saving time sa mga rekomendasyong natanggap nila.
Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na inirekomenda na gawing alas-siyete ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon ang pasok at mga transaksyon sa government offices.
Batay sa datos ng mmda, bumaba sa 370,000 mula sa dating 390,000 ang daily volume ng mga sasakyan sa Edsa, dahil sa serye ng oil price increase.