Pinag-aaralan ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ang muling pagpapatupad ng high volume occupancy policy o driver-only vehicle ban sa EDSA.
Ayon kay EDSA Special Traffic and Transport Zone Chief Bong Nebrija, bahagi ito ng kanilang plan B sakaling katigan ng Korte Suprema ang petisyon ng mga tutol sa pagpapatupad ng provincial bus ban sa EDSA.
Sinabi ni Nebrija, sa ngayon ay tinututukan nila ang pagrebisa sa ilang mga napuna sa pagdinig ng senado hinggil sa ipinatupad na high volume occupancy policy noong nakaraang taon.
Ito aniya ay upang maiwasang makwestiyon pa ito sakaling muli nilang ipalabas ang nasabing polisiya.
Magugunitang, pinatigil ng Senado ang dry run sa pagbabawal sa mga sasakyang tanging driver lamang ang sakay sa EDSA tuwing rush hour noong Agosto ng nakaraang taon.