Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na ipinagbabawal ang paninigarilyo kasabay ng pagbisita sa mga sementeryo ngayong undas.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga, ipinagbabawal ng mga Local Government Unit (LGU)Sa National Capital Region (NCR)sa mga sementeryo kabilang ang memorial parks at columbaria.
Dagdag pa ni Dimayuga, may multang 5 daan hanggang 5,000 piso ang lalabag sa direktibang ito.
Samantala, hinikayat naman ni Neomie Recio, acting head of MMDA health public safety and environmental protection office, ang publiko na mahigpit pa ring sundin ang mga health protocols hinggil sa COVID-19. - sa panunulat ni Jenn Patrolla