Pinaiiwas na ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista at pasahero sa EDSA.
Ito, ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, ay upang hindi na maabala at makaiwas sa matinding traffic dahil mas maraming ASEAN leader ang darating ngayong araw.
Simula umaga hanggang kagabi naranasan ang napakatinding traffic sa kahabaan ng edsa kung saan libu-libo ang na-stranded.
Kabilang anya sa mga dapat iwasan ang EDSA-Balintawak at Roxas boulevard sa Pasay lalo’t dito daraan ang convoy ng mga foreign delegate.
Hangga’t maaari, ayon kay Pialago ay hintayin na lamang munang dumating ang lahat ng mga delegado bago bumiyahe sa EDSA.