Plano ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority na bumili ng halos 500 body cameras para tulungan ang mga traffic enforcers sa pagdidisiplina ng mga pasaway na motorista.
Ayon kay MMDA Chairman Tim Orbos, ipamamahagi ang mga body camera sa kanilang mga tauhan na nakadeploy sa EDSA, C-5 at Commonwealth Avenue.
Pero ayon kay Orbos, kokonsultahin muna nila ang Metro Manila Council na binubuo ng 17 alkalde sa Metro Manila bago ituloy ang planong ptoyekto.
By Jonathan Andal