Pinaplano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gamitin ang EDSA bus carousel para sa mas mabilis na pagbyahe patungo sa storage facility ng Sinovac vaccines na inaasahang darating na ngayong araw.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos Jr., katuwang ng PNP-HPG ang mga MMDA personnel para sa pagbibigay ng assistance sa pagta-transport ng COVID-19 vaccine patungo sa mga pasilidad.
Pahayag ni Abalos, nasa six 40-foot container vans ang gagamitin sa paghahatid ng 600,000 COVID-19 vaccines mula Villamor airbase sa Pasay City hanggang sa storage facility ng Department of Health sa Marikina City.
Maliban dito ani Abalos, nakahanda rin ang kanilang towing at emergency vehicles sakaling kailanganin.