Plano ng MMDA na i-regulate ang paglalagay ng tint sa mga pribadong sasakyan sa loob ng tatlong buwan dahil nagagamit umano ito sa krimen
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, layon ng naturang hakbang na matiyak ang kaligtasan ng mga motorista dahil nagagamit sa krimen ang sobrang dilim ng tint.
Samantala, inihayag ng Land Transportation Office na mayroon na silang memorandum noong 1978 para i-regulate ang dilim ng mga car tint, pero hindi ito naipatutupad dahil marami ang kumwestyon sa korte.
By: Meann Tanbio