Nais na repasuhin ni Senate Minortiy Leader Franklin Drilon ang kapangyarihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamamahala ng trapiko sa Metro Manila.
Sa isinagawang hearing ng senate committee on transportation and public services, iginiit ni Drilon na dapat na silipin ang kapangyarihan ng MMDA para maglatag ng mga polisiya sa pagsasaayos ng trapiko sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Bago ito ay sinabi ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares na dalawang beses nang naglabas ng ruling ng Korte Suprema na walang anumang kapangyarihan ang MMDA para maglatag ng polisiya dahil ito ay trabaho na ng lokal na pamahalaan.
…the Supreme Court has already said that MMDA has no power to issue ordinances like closing streets, only LGUs can do that. Can the President that the Supreme Court also said Mr. Chair that in Viron versus MMDA that MMDA has no power to close terminal,” ani Colmenares.