Tuluy-tuloy ang pagkilos ng MMDA para maayos ang trapiko lalo na ngayong Christmas holiday kung kailan inaasahan ang dagdag na 20% nang pagdami ng sasakyan sa mga kalsada partikular sa EDSA.
Ipinabatid sa DWIZ ni Col. Bong Nebrija, hepe ng MMDA Special Operations Task Force na kalagitnaan pa lamang ng Nobyembre ay ikinasa na nila ang adjusted malls hours, late night delivery ng malls, suspensyon ng mga road works and repairs at pagpapalawig ng schedule ng kanilang mga tauhan.
Pinaaayos rin aniya ni MMDA Chairman Romando Artes ang mga open diggings hanggang December 1 para hindi na makadagdag pa sa bigat ng trapiko.