Pinakikilos ng MMDA o Metro Manila Development Authority ang Office of the Ombudsman upang tutukan ang mga kandidatong lumalabag sa panuntunan sa paglalagay ng campaign posters tuwing panahon ng kampanya sa eleksyon.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, hindi lamang batas sa eleksyon ang nalalabag tuwing eleksyon kundi maging ang environmental laws.
Karamihan na anya ngayon sa campaign materials ay mga tarpaulin na hindi naman natutunaw.
Sa unang araw pa lamang anya matapos ang eleksyon ay truck-truck na ng basura ang kanilang nahakot, karamihan dito ay sa Maynila.
“Hindi lang po sa paglabag sa mga election laws ito kundi environmental issues na rin po, nag-usap na rin po kami ng ibang sector ng gobyerno particularly yung Ombudsman kahapon dahil meron silang environmental Ombudsman, baka pwede nilang masama ito.”
By Len Aguirre | Ratsada Balita