Umapela ang Metro Manila Development Authoritiy (MMDA) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para i-deploy ang kanilang mobile pumps para makatulong sa pagpapagaan ng pagbaha sa Metro Manila.
Ito ay matapos kumpirmahin ng DPWH ang ulat na nagsasabing ipinasara ang Padre Faura Drainage, Remedios Drainage, at Estero de San Antonio para magbigay daan sa mga gagawing pag-aayos sa Manila Baywalk Dolomite Beach.
Base sa report, ang pagsasara ng tatlong drainage system ang itinuturing na dahilan sa pagbaha sa Lungsod ng Maynila.
Samantala, nakiusap naman si MMDA acting General Manager Baltazar Melgar sa publiko na habaan pa ang pasensya habang tinatapos ng mga opisyal ang naturang proyekto na sinasabing matatapos ngayong Setyembre. – sa panulat ni Hannah Oledan