Hinimok ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Tom Orbos ang mga manggagaling sa probinsya na lumuwas na kaagad matapos bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay ngayong araw na ito.
Sinabi sa DWIZ ni Orbos na mas mabuting bumalik ng maaga sa Metro Manila at huwag nang hintayin pa ang inaasahang bugso rin ng mga manggagaling sa mga lalawigan na tiyak na magdudulot ng matinding trapiko
Bahagi ng pahayag ni MMDA General Manager Thomas Orbos
New ordinance
Magsasagawa ng kaukulang konsultasyon ang MMDA bukas, November 2 kaugnay sa rekomendasyon nitong pagbawalan ang funeral procession at student drivers sa mga pangunahing lansangan.
Ayon kay MMDA General Manager Tom Orbos, ipapaliwanag din nila sa mga may-ari ng punenarya at maging sa driving schools kung bakit kailangan ang hakbang para na rin mapagaan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Sinabi pa sa DWIZ ni Orbos na magtatakda rin sila ng mga lugar at araw kung saan at kailan uubrang magsagawa ng funeral procession at pagsasanay ng student drivers.
Bahagi ng pahayag ni MMDA General Manager Thomas Orbos
By Judith Larino | Ratsada Balita