Target ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makalap ang mga nagkalat na campaign materials sa National Capital Region (NCR) ngayong linggo.
Batay sa pinakahuling datos noong May 16, nakakuha na ang ahensya ng mahigit 470 tons ng sari-saring campaign paraphernalia na ginamit noong May 9 Elections.
Una nang nagbabala ang isang environmental group na ang mga basura mula sa naturang materyales ay maaaring makapagdulot ng pagbaha ngayong tag-ulan.
Matatandaan ding nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na i-report sa kagawaran ang mga campaign materials na nananatiling nakapaskil dahil lumipas na ang deadline para sa pagtatanggal ng mga ito.