Nakatakdang talakayin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ang mga kinatawan ng Civil Service Commission (CSC), ang panukalang “Daylight Saving Time” sa mga kawani ng gobyerno.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, patuloy ang kanilang konsultasyon kaugnay sa implementasyon ng DST.
Sa ilalim ng DST proposal, magiging alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ang trabaho ng government employees, na layong maibsan ang trapiko sa Metro Manila tuwing rush hours.