Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi madodoble ang pamasahe ng commuters dahil sa provincial bus ban.
Sa ilalim ng provincial bus ban, ang mga pasahero mula sa lalawigan ay kailangang ibaba sa mga terminal sa Parañaque, Valenzuela city at Sta. Rosa, Laguna upang doon sumakay ng city bus papasok ng Metro Manila.
Ayon kay Bong Nebrija, EDSA traffic chief ng MMDA, pinakiusapan na nila ang operators ng city buses na singilin lamang ang diperensya ng pamasahe ng mga pasaherong galing ng probinsya.
Ibig sabihin kung P500 ang pamasahe mula sa pinagmulang probinsya hanggang sa Cubao, agiging P400 na lamang ito dahil mapuputol ang biyahe sa terminal, kailangang P100 na lamang ang sisingilin ng city bus mula terminal hanggang sa Cubao.
Aminado naman si Nebrija na kailangan ng special permit para sa ganitong fare scheme.