Tiwala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na nakumpleto ang clearing operations mula sa mga sagabal sa lansangan sa mga lungsod sa Metro Manila.
Sa pulong ng Metro Manila Council, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na naniniwala siyang walang alkalde sa Metro Manila ang masu suspindi dahil sumunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 17 alkalde sa kalakhang Maynila.
Subalit inihayag ni Garcia na hihintayin nila ang official assessment ng Department of the Interior and Local Government o DILG hinggil sa clearing operations ng mga lungsod.
Magugunitang Setyembre 29 ang deadline ng kautusan ng pangulo sa metro mayors na alisin ang mga nakakaharang sa daloy ng trapiko.