Magtutuloy tuloy ang pagsasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority ng mga road clearing at cleaning operations ngayong Semana Santa.
Layon ng ahensyang siguruhing may maayos na daraanan ang mga sasakyan sa ibang mga ruta, dahil magkakaroon ng mga road-reblocking sa mga pangunahing kalsada.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, bukod sa mahigit na 2,000 Traffic Personnel na ipakakalat, ay maglalaan din ng mahigit sa apat na raang assets kabilang ang mga tow trucks, motorcycles, patrol cars at iba pa.
Kaugnay nito, sisiguruhin din ng MMDA na aktibo ang kanilang Command Center sa lungsod ng pasig para sa bente kwatro oras na real-time CCTV surveillance upang ma-monitor ang sitwasyon sa buong Metro Manila sa kasagsagan ng Semana Santa.