Nakahanda ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tumulong sa Department of Transportation (DOTr) para sa unang araw ng implementasyon ng ‘No Vaxx, No Ride’ Policy.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, sumulat sa kanilang tanggapan si Transportation Secretary Art Tugade na humihiling na tulungan sila sa pagpapatupad ng naturang polisiya.
Layunin anya ng nasabing polisiya na protektahan ang mga hindi bakunado laban sa matinding epekto ng COVID-19 at hindi para gipitin o tanggalan sila ng karapatan.
Simula ngayong araw ay bawal nang sumakay sa anumang public transportation ang mga unvaccinated individuals sa Metro Manila, maliban na lamang kung bibili sila ng pagkain o gamot at kung mayroong medical reason. —sa panulat ni Mara Valle