Umapela sa publiko ang MMDA o Metro Manila Development Authority kaugnay sa patuloy na mararanasang problema sa trapiko sa taong 2018
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos ito ay bunsod ng maraming nakalinyang mga proyektong pang imprastraktura sa ilalim ng programang build, build, build na magsisimula sa susunod na taon
Ilan sa mga proyektong bahagi nito ay ang pagpapatuloy ng Metro Rail Transit-Light Rail Transit Common Station, LRT Line 2 extension project sa Marcos Highway at LRT Line 1 extension patungong Cavite
Dagdag pa ni Orbos, target matapos ang lahat ng proyekto bago man magtapos ang administrasyong Duterte kaya kinakailangan ng matinding pasensya para sa mga abala na pagdadaanan ng mga motorista na sa kalaunan naman ay maghahatid ng kaginhawaan para sa lahat