Walang plano ang MMDA na tanggalin ang mga barriers sa EDSA sa harap ng sunod sunod na pagkaka aksidente ng mga motorista.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, isolated case lamang ang mga nangyaring aksidente sa EDSA na ang sanhi ay ang mga barriers.
Nagkaruon anya sila ng pag aaral hinggil sa kung gaano ang layo ng mga barriers bago nila ito ipinatupad.
Itong paglagay ng bus lane ng 3.2 to 3.5 meters safe po ito internationally sa mga bus, kung ang takbo po ay less than 60 k/h. Kaya sabi nga namin pag ginawa pa natin ng 5 meters pa ‘yan. Kung talagang walang disiplina ang mga driver [Tatanggihan nila ‘yan] So ang mga aksidente ay less tahn 10, meaning isolated siya sabi ko nga kung ito’y delikado hindi dapat ipatupad ‘yan ani Garcia