Bahagyang nagkaroon ng tensyon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) Workers’ Inn o mas kilalang Gwapotel sa Bonifacio Port Area Manila.
Ito ay makaraang pwersahang palabasin ng mga security guards ang mga nanunuluyan at mga concesionnaires dito.
Iginiit ng mga nagtitinda sa Gwapotel na hanggang Agosto 31 ang ibinigay na abiso ng MMDA kaya kanilang ikinagulat na biglaan itong ipinasara ngayong araw.
Nanghihinayang naman ang mga nunuluyan sa pagpapasara ng Gwapotel dahil ito lamang ang murang lugar na maaari nilang pansamantalang matirahan sa Maynila.
Ayon sa MMDA, ipinasara ang Gwapotel bilang precautionary measures dahil hindi na ligtas ang gusali at kailangang isailalim sa rehabilitasyon.
Matatandaang, taong 2007 nang gawin bilang Gwapotel ang gusaling pag-aari ng NAPOCOR o National Power Corporation sa Maynila para maging pansamantalang matutuluyan ng mga lumuluwas na naghahanap ng trabaho at ng mga pasahero ng barko sa South Harbor.
Binago naman ang pangalan nito bilang MMDA Workers’ Inn matapos ang administrasyong Arroyo.