Magtatagal lamang ng 2 oras at kalahati ang pagpapatupad ng zipper lanes sa Edsa.
Ayon kay Atty. Cris Saruca, Head ng Traffic Discipline Office ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang zipper lanes na kanilang bubuksan sa iba’t ibang bahagi ng Edsa ay bukas lamang sa pagitan ng alas-6:00 at alas-8:30 ng umaga.
Kanina, inilagay ng MMDA ang zipper lane sa bahagi ng north bound ng Edsa mula sa Boni hanggang sa SM Megamall.
“Four lanes lang po ito southbound, pagrang nagdagdag lang po tayo ng isang lane na southbound, kumuha na po tayo pansamantala ng linya sa Edsa northbound, sa oras lang po ng 6-8:30 AM.” Ani Saruca.
By Katrina Valle | Jopel Pelenio (Patrol 17)