Balik-sinehan na sa Disyembre ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 kasabay ng pag-a-anunsyo sa walong pelikulang kalahok.
Binubuo ito ng “A Hard Day” nina Dingdong Dantes at John Arcilla; “Huling Ulan Sa Tag-Araw” nina Rita Daniela at Ken Chan; “Nelia” nina Winwyn Marquez at Raymond Bagatsing;
“Big Night” nina Christian Bables at John Arcilla; “Huwag Kang Lalabas” nina Kim Chiu, Beauty Gonzalez at Aiko Melendez; “Kun Maupay Man It Panahon” nina Charo Santos-Concio at Daniel Padilla;
“Love at First Stream” nina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniella Stranner at Anthony Jennings at “The Exorsis” nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga.
Tiniyak naman ni Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos ang buong suporta sa MMFF upang maging maganda ang pagsisimula ng festival at awards night.
Samantala, pinag-aaralan naang Fluvial Parade sa Pasig River para sa mga kalahok ng MMFF 2021.
Mapapanood ang mga pelikula simula December 25, 2021 hanggang January 8, 2022. —sa panulat ni Drew Nacino