Hindi umano napangasiwaan ng maayos ang Metro Manila Film Festival o MMFF.
Ito, ayon kay Senate Majority Floorleader Vicente “tito” Sotto III ang reklamo ng mga may-ari ng theatre at mall makaraan silang magpulong ni Senate committee on public information and mass media Chairperson Grace Poe.
Sinasabing isa ito sa mga dahilan kung bakit maliit ang kinita ng mga pelikulang kalahok sa MMFF.
Ayon kay Sotto, magsasagawa ng pagdinig si Poe sa naturang usapin.
Una rito, naghain si Sotto ng resolusyon na humihiling na magsagawa ng hiwalay na festival para sa mga indie film.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno