Pursigido ang Metro Manila Film Festival (MMFF) na makabalik sa mga sinehan sa Pasko sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi basta mabubuwag ng pandemya ang diwa ng pasko kaya’t nagpasya ang MMFF Executive Committiee na payagan ang pagbubukas ng mga sinehan.
Ayon kay MMFF Execom Spokesperson Noel Ferrer, matagal ng isinusulong ni MMDA at Execom Chairman Benhur Abalos ang muling pagbubukas ng mga sinehan upang manumbalik ang tradisyon ng mga Paskong Pinoy.
Noon lamang Hunyo ay tumulong ang MMDA at MMFF na bakunahan kontra COVID-19 ang mga film industry members, production companies at partner-theater operators upang matiyak ang kaligtasan ng stakeholders.
Layunin din anya nitong buhayin ang ekonomiya partikular ng film industry.
Target naman ng mga cinema operator na muling magbukas sa Disyembre 1 ngunit para sa lamang sa mga fully vaccinated at limitadong capacity. —sa panulat ni Drew Nacino