Kasado na mamayang alas-4 ng hapon ang parada para sa Metro Manila Film Festival Parade of Stars.
Dahil dito, inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motoristang maaapektuhan na dumaan sa alternatibong ruta para hindi maabala sa traffic.
Magsisimula ang parada mula sa Quezon Avenue hanggang sa Quezon Memorial Circle habang ang main event ay magaganap sa Liwasang Aurora.
Simula alas-3:30, sisimulan nang isara ang westbound direction ng E. Rodriguez mula D. Tuazon patungong Mabuhay Rotonda, na bubuksan matapos dumaan ang parada.
Inabisuhan din ang mga motorista na umiwas na dumaan sa E. Rodriguez Avenue mula sa Banawe patungong Mabuhay Rotonda, dahil dito gaganapin ang staging area ng mga float.