Hindi inalintana ang sikat ng araw ng maraming tagahanga masilayan lang ang kani-kanilang mga hinahangaang artista sa ginanap na Metro Manila Film Festival (MMFF) parade of stars kahapon.
Nagsimula ang parada ala-1:00 ng hapon mula Mall of Asia at nagtapos sa Quirino Grandstand.
Walong (8) pelikula ang bumida sa parada ito ay “All You Need is Pagibig” na pinagbibidahan ni Kim Chui at Xian Lim, “Haunted Mansion” ni Jerome Ponce at Janella Salvador.
“My Bebe Love” nina Vic Sotto, Aiai delas Alas kasama din sina Alden Richards at Maine Mendoza.
“Honor Thy Father” with John Lloyd Cruz at Meryll Soriano.
“Beauty and the Bestie” starring Vice Ganda and Coco Martin.
“Now Die Later” starring Rayver Cruz, Janine Gutierrez and Lot Lot de Leon.
“Nilalang” kasama ang aktor na si Cesar Montano at Japanese star na si Maria Ozawa.
At ang “Walang Forever” nina Jennlyn Mercado at Jericho Rosales.
Mapapanood ang mga MMFF entries sa mga sinehan nationwide simula Christmas day hanggang January 7, 2016.
By Jenny Valencia
Photo Credit: Inquirer