Kasado na bukas, December 21, ang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na gaganapin sa Quezon City.
Tampok dito ang mga artista mula sa walong official movie entries ngayong taon kung saan kabilang dito ang:
“Mamasapano: Now it can be told” ng Borracho Film Production; “Deleter” ng Viva Communications, Inc.; “Family Matters” ng Cineko Productions, Inc.; “My Father, Myself” ng 3:16 Media Network and Mentorque Productions; “Nanahimik ang Gabi” ng Rein Entertainment Productions; “Partners in Crime” at “Labyu with an Accent” ng ABS-CBN Film Productions; at “My Teacher” ng Ten17p.
Magsisimula ang parade of stars sa Mabuhay Rotonda hanggang Quezon Memorial Circle na inaasahang tatagal ng mahigit dalawang oras.