Mula sa kasalukuyan na Metro Manila Film Festival (MMFF), isinusulong ni Senador Manny Pacquiao na palitan ito at tawaging Philippine Film Festival.
Ayon kay Pacquiao, bagamat kinikilala nya ang commitments ng MMFF na mapagyaman ang ating kultura, mapalalim ang kamalayan sa ating historical heritage at traditional values at maayos ang native arts, pero nakalulungkot anya na ang pangalan nito ay naglalarawan ng exclusivity.
Sa paghahain ng senate bill 2017, sinabi ni Pacquiao na ang “Metro Manila” sa Metro Manila Film Festival ay pagpapakita ng pagiging exclusive sa Metro Manila ng taunang tradisyon at selebrasyon ng local film production
Para ganap na makilala ang hangarin ng local movie industry sinabi ni Pacquiao na angkop na baguhin o palitan ang Metro Manila Film Festival at tawagin itong “Philippine Film Festival”.
Ang MMFF ay nilikha noong 1975 para matulungang maipromote ang local film industry, ang taunang event na ito ay ini-organisa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Naging bahagi na ng kapaskuhan sa bansa ang manood ng mga pelikulang Pilipino na kasama sa official entries sa MMFF. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)