Dagsa ang mga sinehan para sa unang araw kahapon ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ayon kay MMFF Spokesperson Noel Ferrer, target nilang maabot ang isang bilyong pisong kita ngayong taon gaya noong 2017 kung saan mahigit isang bilyong piso ang kinita ng taunang festival.
Gayunman, nakahanda naman ang ahensya sakaling hindi maabot ang target na kita ngayong taon.
Sinabi ni Ferrer na maiintindihan nila ito lalo’t ramdam aniya ngayon ng publiko ang epekto ng inflation.
Aminado ang opisyal na mahal na manood ngayon ng sine kumpara sa mga nakalipas na taon.
—-