Matapos ang 31 taong pamamayagpag sa telebisyon, mamamaalam na ang tinaguriang longest-running drama anthology program sa asya na “Maalaala Mo Kaya.”
Mismong ang MMK host na si Charo Santos-Concio ang nag-anunsyo nito kung saan mapapanood ang huling episode ng programa sa December 10.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Charo na kung mauulit man ang panahon, ay pipiliin pa rin niyang maging host ng MMK.
Pinasalamatan naman nito ang lahat ng naging bahagi ng MMK mula sa mga production staff, directors, at writers nito hanggang sa mga walang sawang sumubaybay sa programa.
Taong 1991 nang ipalabas ang unang episode ng MMK kung saan tampok sina Romnick Sarmenta at Robert Arevalo.