Aminado si Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Muslimin Sema na marami sa kanilang mga miyembro ang lumipat na sa Abu Sayyaf at iba pang grupo na nakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan.
Ipinaliwanag ni Sema na ito ay dahil nabalewala at hindi naipatupad ng pamahalaan ang mga napagkasunduan sa peace negotiating table, katulad nalang ng Tripoli Agreement.
Bahagi ng pahayag ni MNLF Chairman Muslimin Sema
Sa kabila nito, sinabi ni Sema na umaasa pa din ang MNLF at Moro Islamic Libreation Front (MILF) na matutuldukan na ang problema sa Mindanao sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bahagi ng pahayag ni MNLF Chairman Muslimin Sema
By Katrina Valle | Ratsada Balita