Panahon na upang magkasanib puwersa na ang MILF at MNLF para makiisa sa kampanya ng gobyerno kontra terorismo
Pananaw ito ni Ifugao Representative Teddy Baguilat matapos ang pagpapasabog sa isang night market sa Davao City na ikinasawi ng 14 katao
Sinabi ni Baguilat na malaki ang maitutulong ng pakikiisa ng MILF at MNLF para mapabilis ang opensiba ng militar laban sa mga terorista at mapigilan na rin ang posibleng plano pang pag atake ng mga terorista lalo na sa Mindanao
Makakatulong din aniya ang paglaban ng MILF at MNLF sa Abu Sayyaf kung nais ng mga itong mamuno sa sarili nilang lupain o sa Bangsamoro
By: Judith Larino