Binasahan ng sakdal sa ikatlong dibisyon ng Sandiganbayan si dating Governor Nur Misuari ng ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao at founding chairman ng MNLF o Moro National Liberation Front.
Dumalo si Misuari sa pagdinig kasama ang maraming miyembro ng MNLF na nagsisilbi niyang bodyguards.
Sa payo ng kanyang abogado, hindi nagpasok ng anumang plea si Misuari sa mga kasong binasa sa kanya.
Si dating ARMM Gov.Misuari ay nabasahan ng sakdal ng Sandiganbayan-3 sa graft(2)at malversation of public funds thru falsification of public docs.cases.Hindi siya nagpasok ng plea kaya si PJ Tang na lang ang nagpasok ng “Not Guilty” plea sa conditional arraignment @dwiz882 pic.twitter.com/9HQRltjN9Y
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) February 26, 2019
Kabilang dito ang graft, malversation of public funds at falsification of public documents.