Imposibleng mapanagot si MNLF founder Nur Misuari dahil sa umano’y pagtatago kay Abu Sayyaf leader Anduljihad Susukan sa kaniyang bahay sa Davao City.
Binigyang diin ito ni Presidential Spokesman Harry Roque dahil sa katunayan si Misuari pa ang nagayos nang pagsuko ni Susukan sa mga otoridad.
Una nang inihayag ni PNP Chief Archie Gamboa na naka-depende sa korte ang posibleng pananagutin ni Misuari sa pagsuko kay susukan.
Sinabi naman ni AFP Spokesman Major General Edgard Arevalo na hindi ipinaalam ni Misuari sa military na nasa custody niya ang Abu Sayyaf leader.
Magugunitang isinilbi ng mga otoridad ang arrest warrant laban kay Susukan sa mga kasong murder, kidnapping, serious illegal detention at frustrated murder sa mismong bahay ni Misuari sa Maa, Davao City nuong August 13.