Hindi nababahala si Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari sa pagpapaaresto sa kanya ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong graft at malversation na kinakaharap nito.
Ayon kay MNLF Spokesman Emmanuel Fontanilla, bagamat nakalulungkot ang naturang pangyayari ay buo pa rin tiwala nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy naman aniyang nakikipag-usap kay Misuari.
Ipinaalala ni Fontanilla na ang paghahangad ng ganap na kapayapaan sa Mindanao ang nakasalalay sa naturang usapin.
“Ang pinaka-positive factor dito ‘yung leadership ni President Duterte.
Sa palagay ko walang problema ito kasi I’m very sure nag-uusap naman ‘yung dalawa… palagi namang nasa Palasyo si Chairman.
So, sa palagay ko, pwede itong ma-pass up and maybe back channels can be done in order to reconsider actions of the Sandiganbayan na mga ganun, magagawa din siguro ‘yan ng executive pero ‘yung prosecution nyan eh sa executive naman eh.