Nakahanda ang MNLF o Moro National Liberation Front na pinamumunuan ni Chairman Nur Misuari na pag-aralan ang bersyon ng BBL o Bangsamoro Basic Law ni Senador Bongbong Marcos.
Kinumpirma ni Atty. Emmanuel Fontanilla, Spokesman ng MNLF na kumunsulta na sa kanila si Senador Marcos hinggil sa binuo niyang bagong BBL Bill.
Gayunman, sinabi ni Fontanilla na kailangan pa rin nilang kunin ang panig ng OIC o Organization of Islamic Conference na siyang naging mediator ng peace negotiations nila noon sa gobyerno ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Bahagi ng panayam kay Atty. Fontanilla
By Len Aguirre | Karambola