Nakahanda ang Moro National Liberation Front Misuari Faction na suportahan ang mga hakbang ni incoming president Rodrigo Duterte para matamo ang kapayapaan.
Ayon kay Atty. Manuel Fontanilla, tagapagsalita ng kampo ni Misuari, masaya sila sa pakikipagpulong ni Duterte kina MILF Chairman Murad Ebrahim, MILF vice chairman Ghadzli Jaafar at MNLF chairman Abul Khayl Alonto.
Sinabi ni Alonto na hindi lamang makalutang si Misuari sa kasalukuyan dahil mayroon itong warrant of arrest dahil sa kasong rebelyon.
Gayunman, may mga kinatawan naman aniya ito sa loob ng kampo ni Duterte kayat kahit anong oras ay pwede silang magka-usap.
Nagpahayag ng pagasa si Fontanilla na matutuloy ang planong pagbabago sa sistema ng pamahalaan tungo sa federalismo.
Naniniwala aniya ang MNLF Misuari camp na sa pamamagitan lamang ng federalismo matutuldukan ang kaguluhan sa Mindanao.
By: Len Aguirre