Magkakaroon ng tungkulin ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa ilalim ng substitute bill ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sinabi ni Senator Bongbong Marcos na bagamat mayroong mahalagang papel ang MILF sa pagtatayo ng Bangsamoro Autonomous Region, ang MNLF naman ay kailangang maging bahagi ng bubuuing transition authority.
Una nang umalma ang MNLF at sinabing sila ay naisantabi sa ginawang negosasyon ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)