Sinasabing nagbanta ang Moro National Liberation Front (MNLF) na muling papasukin ang Zamboanga City ngayong araw.
Ito ay ayon sa report ni Barangay Rio Hondo Chairman Hadji Jinnul Malik sa pulisya, oras na hindi umano ipagkaloob ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang hinihiling na permit ng MNLF.
Kaugnay ito ng isasagawang pulong at parada ng moro rebel group.
Kasunod nito, inabisuhan na umano ang lahat ng police station commanders sa Zamboanga City na maging alerto at panatilihing nakahanda.
Pinakikilos na rin anila ang lahat ng barangay intelligence network at lahat ng force multipliers para bantayan at ipagbigay alam sa pulisya ang pagpasok ng mga kahinahinalang grupo sa kani-kanilang area of responsibility. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)