Positibo ang MNLF o Moro National Liberation Front na matatamo na ang tunay na kapayapaan sa Mindanao.
Pahayag ito ni Reverend Absalom Cerveza, Spokesman ni MNLF Chairman Nur Misuari matapos makipagkita si Misuari sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Cerveza na abot-kamay na ang panahong mabubuwag na ang lahat ng magkakahiwalay na grupo sa Mindanao at tatawagin na lamang ang mga mamamayan na Bangsamoro.
Bahagi ng pahayag ni Reverend Absalom Cerveza, Spokesman ni Nur Misuari
Una rito, sinuspindi ng Pasig Regional Trial Court ang paglilitis sa mga kaso ni Misuari na may kaugnayan sa Zamboanga siege upang bigyang daan ang partisipasyon nito sa peace talks.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas